Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sotto ibang lebel ang tikas

0 100

Bukod sa mga fan, sabik rin na makita at makalaro ni South Korean swingman Lee Hyun Jung si Pinoy cager Kai Sotto na didribol para Gilas Pilipinas.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nagsasalpukan na ang Gilas at Korea alas- kagabi sa simula ng third at final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark habang muling magkukrus ang kanilang mga landas sa Hunyo 20, Linggo.

“I’m looking forward to playing against them [the Philippines], especially against Kai Sotto. He’s also a star and I just want to play against him,” litanya ni 20-year-old Lee Hyun Jung bago ang kanilang pagtatapat.

“I just saw him sign with an NBL team. He’s a great player, tall player. He has pretty good, high basketball IQ, and he can play in the next level,” sey pa ng 6-foot-7 cager.

Kasalukuyang sophomore sa Davidson College si Lee Hyun Jung, parehas na paaralan kung saan naglaro noon si three-time NBA champion at two-time NBA MVP Stephen Curry.

Samantala, ito naman magiging seniors debut ni Sotto para sa Gilas Pilipinas. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.