Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sotto gahol sa Gilas

0 168

NANGANGAMBA ang mga kinauukulan sa pagkagahol na sa panahon sa ‘binyag’ ni Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na kakasa para sa 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup Qualifiers 2021 third & final window sa Clark Freeport sa February 15-23.

Eksaktong 22 araw na lang mula ngayon ang natitira para sa pagbubukas ng torneo sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga kaya aligaga ang Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) at East West Private para makauwi sa maagang panahon ang 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy phenom.

SM food to go Banner Ad

“We’ve been in touch with his management team led by Chao Espaldon representing EWP. We’ve been burning the lines for the past four or five days,” lahad Linggo ni SBP special assistant to the president Paul Ryan Gregorio.

Huwebes lang inihayag ng 18-taong gulang na sasali siya sa Gilas pool para sa Clark window. Nauna ng pumasok ang first batch ng pool noong January 10 habang ang ikalawa nitong Jan. 22 sa Calamba buuble training sa Inspire Sports Academy sa Laguna.

Problema ng SBP ang mahabang dadaanang proseso ni Sotto kahit pinayagan na ng lalaruan niyang Team Ignite sa NBA G League sa Pebrero. Pero magmumula siya sa Estados Unidos na isa sa nangunguna sa travel ban dahil sa Covid-19.(Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.