Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sotto dinumog sa Australia

0 40

Dinumog ng mga Pinoy fans sa Australia si Down Under’s National basketball League-bound Kai Zachary Sotto na nakatakdang maglaro sa Adelaide 36ers.

Masisilayan sa Instagram story ng 7-foot-3 PH cage phenom nitong weekend ang ilang larawan niya kasama ang maraming tagahanga sa kuha sa nasabing coastal city bilang paghahanda niya sa pagbubukas ng 44th NBL 2021-22 sa Nov. 18.

Related Posts

“It’s always a great feeling seeing and meeting my fellow Filipinos everywhere I go and I’m just happy that a lot of them are here in Australia,” caption ni Sotto, 19, na tubong Las Piñas City.

Kakadribol lang ni Sotto sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers final window sa bansa kung saan pumoste siya ng 9.3 points, 7.0 rebounds, 1.3 assists, at 1.0 steal per game. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.