Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sotto: Dar naisahan sa imported pork ‘tongpats’

0 72

Naniniwala si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na posibleng napapaikutan si Agriculture Secretary William Dar sa umano’y ‘tongpats’ scheme sa importasyon ng baboy.

Ito ang reaksiyon ni Senate President nang matanong kung tingin ba niya’y competent si Dar sa naturang isyu.

“Hindi ko kayang sagutin ‘yan, at the worst, ang tingin ko napapaikutan siya o meron siyang ‘di masabi,” lahad ni Sotto sa panayam ng DWIZ kahapon.

“Ayokong sabihing involved siya, I dont think so. Baka pinapaikutan siya o meron siyang ‘di masabi,”dagdag nito.

Aniya pa, dapat ipaubaya sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) kung may pananagutan ba si Dar sa alegasyon ng kickback sa pag-aangkat ng baboy.

Matatandaang dating nilantad ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang umano’y P6 billion na kickback sa pork importation, kung saan sinabi nito na ilang opisyal sa DA ang sangkot sa naturang scheme.

Sa naturang expose ni Lacson, sinabi nito na magkakaroon ng komisyon ang isang sindikato sa DA sa bawat kilo ng baboy na maaangkat sa bansa.

Sa nakaraang pagdinig sa Senado, dumepensa si Dar na wala siyang alam sa nasabing kickback sa pork importation. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.