Una sa Balita

Sotto: Cash aid sa 18M pamilya ipamigay na!

0 314

May tatlong mahahalagang inaasahan si Senate President Vicente Sotto III sa pilot report na ibabahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa tugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos pagkalooban ng dagdag na kapangyarihan ng Kongreso.

Ayon kay Sotto, inaasahan niyang ire-report ng pangulo ang distribusyon ng financial aid na P5,000 hanggang P8,000 sa 18 milyong pamilyang na kabilang sa informal sector.

Inaasahan din na iuulat ni Duterte ang tungkol sa mass testing lalo na sa mga urban area at ang prioritization ng kaligtasan at kapakanan ng mga frontline health worker.

Sabi ni Sotto, wala pa siyang natatanggap na update mula sa Palasyo kaugnay ng pagsumite ng unang report ng Pangulo sa Kongreso.

Itinalaga ni Sotto sina Sens. Pia Cayetano, Panfilo Lacson, Bong Go, at Franklin Drilon bilang bahagi ng Joint Congressional Oversight Committee na siyang magrerebyu ng weekly report ni Duterte.

Nilagdaan noong nagdaang linggo ang Bayanihan to Heal as One Act para bigyan ng karagdang kapangyarihan si Duterte para solusyunan ang banta ng COVID-19 sa bansa kabilang ang kapangyarihan na mag-realign ng available na pondo ng gobyerno. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More