Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sotto: Bayanihan hitik sa pondo! Ayuda sa mga jobless, health worker anyare?

0 99

Nanawagan si Senate President Tito Sotto sa gobyerno na kailangang pag-ibayuhin ang pamamahagi ng subsidiya sa mga manggagawa.

Sa panayam kay Sotto sa DWIZ kahapon, iginiit nitong ito lang aniya ang paraan para matulungan ang mga manggagawa dahil hindi pa kayang buksan nang tuluyan ang ekonomiya.

Paliwanag ni Sotto, marami silang inilagay sa Bayanihan 1 at 2 na tulong para sa mga nawalan ng trabaho.

Nagkakaroon lang aniya ng delay dahil sa hindi pagkakaintindihan ng ilang panig kaya nanawagan siya sa gobyerno na huwag nang patagalin pa ang paglalabas ng tulong sa mga manggagawa.

“Natatagalan ng konti, may nade-delay, may hindi naisplikang mabuti. Tulad narinig ko nagtatalo ang DOH at frontline workers, ang sinasabi nila i-release ang hazard pay, ang sa akin doon, ang dapat apurahin ay P100,000 nila per health worker, kapag ‘di nakakapasok, ‘pag may sakit,” sambit niya.

“Nasa bayanihan 1 at 2 ‘yan. Hindi dapat pagtalunan kung hindi sila nabibigyan ng additional pay. ‘Yon ang dapat sagot ng DOH sa kanya, merong P100,000 per health worker ‘pag nagkasakit at namatay P1M. ‘Yon ang dapat asikasuhin,” dagdag niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.