Una sa Balita

Sotto balik Pilipinas para sa Gilas Youth

0 420

TIMEOUT muna si Kai Sotto sa kanyang training sa US, babalik ng bansa ang 7-foot-1 teenager para makasama sa pool ng Gilas Pilipinas Youth na naghahanda sa FIBA Under-19 World Cup.

Sa susunod na buwan inaasahang dara­ting ang 16-year-old, bago ang U-19 tournament sa June 29-July 7 sa Heraklion, Greece.

Dumayo ng US ang anak ni dating PBA player Ervin Sotto nga­yong taon, noong 2018 ay giniyahan pa ang Pilipinas sa fourth-place finish sa FIBA Asia U-18 Championship na na­ging tiket ng bansa para sa World Cup.

Bukod sa dating sentro ng Ateneo Blue Eagles, ibabalik din ni Gilas Youth coach Sandy Arespacochaga sina AJ Edu at Dalph Panopio.

Sa susunod na buwan din ang iskedyul ng dating ni Fil-Nigerian Edu, naglaro para sa University of Toledo sa US NCAA Division 1.

Ang Fil-Italian na si Panopio ay sa Doha na sasama sa Gilas Youth. May ilang pocket tournaments na naka-iskedyul na salihan sa Qatar ang national youth squad. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy