Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kai aaro na sa Team Ignite

0 190

Inihayag ng 2020-21 NBA G League Biyernes ng gabi na magaganap sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World Resort ang pinakaaabangan na developmental na torneo para sa mga nagnaais na makatuntong sa tampok na liga sa buong mundo na NBA.

Ayon sa post ng Santa Cruz Warriors @GLeagueWarontak, kabuuang 18 ang maglalaro.

Related Posts

Inaasahan na din ang pagpapasiklab ng 7-foot-2 na si Kai Zachary Sotto para sa Team Ignite sa pagnanais nitong maging pinakaunang purong Pinoy na makakatuntong sa NBA.

Una na nagpahayag si Sotto na maglalaro para sa Gilas Pilipinas sa ikatlo at huling bubble ng FIBA Asia Cup Qualifier na gagwin dito sa Clark, Pampanga.

Gayunman, inaasahan na muli nitong hindi matutugunan ang paglalro sa men’s national team dahil sa nalalapit na pagbubukas ng NBA GLeague na makakasabay mismo ng qualifier. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.