Una sa Balita

Soto, Nationals nakauna sa Astros

0 297

DINISKARIL ni Juan Soto at ng Washington Nationals si Gerrit Cole at ang Houston Astros 5-4 sa opener ng World Series Martes ng gabi sa Minute Maid Park.

Nag-deliver ng home run ang 20-anyos na si Soto sa fourth inning, pinalipad ang bola paalpas sa left field wall bago bumagsak sa train tracks, may two-run double pa siya.

Hindi napigil ang Nationals kahit ng history-making romer ni George Springer at isa pang drive na muntik magtabla sa iskor sa eighth.

Naka-homer din si Ryan Zimmerman para suportahan si Washington starter Max Scherzer.

Nasa unang World Series appearance ang Nationals, franchise na nagsimula bilang Montreal Expos noogn 1969.

Hindi pinaporma ng Nationals si Cole.

Naka-single agad si Trea Turner sa second pitch pa lang ng laro at tuloy-tuloy na sa pag-ariba ang Nats para tapusin ang 19-game winning streak ni Cole.

Tumapos si Soto ng three hits at isang stolen base tatlong araw bago ang kanyang 21st birthday. Ninakaw din ni Soto ang panabla sanang hit ni Michael Brantley sa ninth.

Naglista ng record si Springer, MVP nang sikwatin ng Houston ang unang World Series crown noong 2017, nang kumonekta sa kanyang panlimang sunod na Series game para idikit ang iskor sa 5-3 sa seventh. Pero kinuryente ng fastball ni reliever Daniel Hudson si rookie Yordan Alvarez habang loaded ang bases para tapusin ang inning.

Susubukang itabla ng Astros ang series sa Game 2 ngayong araw. Unang isasagupa ng Houston si Justin Verlander laban kay Stephen Strasburg ng Nats. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy