Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sorsogon Police boldyak: 2 preso labas-masok sa selda

0 172

Iniimbestigahan ngayon ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang pamunuan ng Matnog, Sorsogon Municipal Police Station (MPS) matapos na madakip ng mga tauhan nito ang dalawa nilang preso na malayang nakakapaglabas-masok sa loob ng selda at sangkot pa sa iligal na aktibidades sa nasabing lugar.

Ayon kay IMEG Director Police Brig. Gen. Oliver Enmodias, nadakip ng kanyang mga tauhan sa isinagawang entrapment operation alas-10:30 ng umaga kamakalawa ang dalawang suspek na sina Jr G Geneblazo, may kasong paglabag sa iligal na droga, at Pedro Garote, may kasong rape at kapwa residente sa nasabing bayan.

Ayon kay Enmodias, ikinasa ang entrapment operation sa Public Market ng bayan ng Matnog laban sa mga suspek matapos mapaulat na labas-masok sa Matnog MPS ang dalawang preso.

“Both of them were always seen outside the detention cell without pertinent documents or court orders”, ayon kay Enmodias.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang IMEG sa pamunuan ng Police Regional Office (PRO) 5 para magsagawa ng masusing imbestigasyon gayundin ang pagsampa ng kasong administratibo sa mga miyembro ng Matnog MPS dahil sa iregularidad. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.