Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sorry ka Clint Bondad: Sam Milby ipaglalaban si Catriona Gray

0 472

Sorry ka na lang Clint Bondad, dahil kahit ano pang pagpapa-cute ang gawin mo, o pagpapapansin, dedma lang si Sam Milby. Pero, hinding-hindi papayag si Sam na makuha mong muli ang puso ni Miss Universe 2018, Catriona Gray.

Sa virtual presscon nga ng teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin ng ABS-CBN 2, tinanong si Sam kung ano ang gagawin niya, o paano siya magri-react, kung halimbawang may magsabi sa kanya na ang ‘pag-aari’ niya ay ‘ang sa iyo ay akin’?

Hindi man tukuyin, pero sa hypothetical na tanong na ito, parang gustong sabihin na ano ang gagawin niya kung sakaling may umagaw sa kanya sa mahal niyang si Catriona?

Sa simula, hindi masyadong ma-gets ni Sam ang ibig tukuyin, pero sa huli ay sumagot pa rin siya na…

“Kung akin talaga, ipaglalaban ko!”

Anyway, para kay Sam, si Catriona na talaga ang ‘the one’ o gusto niyang makatuluyan, makasama habangbuhay.

“She’s the one na…

“I do believe she’s the one na talaga…” sabi niya.

Oo nga naman, bakit ka papasok sa isang relasyon kung hindi ka pa pala sigurado na siya na ang gusto mong makasama habangbuhay.

Siyanga pala, ‘baby’ ang trato kay Sam ng mga kasamahan niya sa Ang Sa Iyo Ay Akin, lalo na si Miss Maricel Soriano. Si Sam nga ang maituturing na ‘baby’ kung aktingan ang pag-uusapan.

At aminado siya, matinding kabog sa dibdib ang naramdaman niya sa mga unang araw na nakaharap niya ang Diamond Star, pati na sina Jodi Sta. Maria at Iza Calzado.

“Pero, ang maganda, very helpful sila pare-pareho.

“Ako kasi medyo childish as a person, nahihirapan din ako sa lengguwahe minsan. Pero with their support sa bawat eksena, I just super appreciate them.

“They love to share, galante sila na turuan ako. I super appreciate that. Happy na part ako ng cast na ito.

“Yes, kabado talaga ako, lalo na sa nag-iisang Diamond Star, Miss Maricel. Kaka-celebrate pa lang niya ng 49 years sa business, at isa siyang award winning actress.

“I was very nervous. Pero, sobrang supportive niya. I love Maricel Soriano, sobrang helpful, supportive. Minsan nagdududa ako sa kakayahan ko, pero dahil sa support niya, gumagaan ang pakiramdam ko,” sambit pa ni Sam.

Iza, Direk FM umiyak sa virtual presscon

Parehong umiyak sa virtual presscon ng Ang Sa Iyo Ay Akin sina Iza Calzado at Direk FM Reyes. At naganap ang pag-iyak nila sa bandang huli ng chikahan.

Unang umiyak si Direk FM, dahil sa mensahe niya sa showbiz media, na sa gitna ng sitwasyon ngayon, nandiyan pa rin at patuloy na sumusuporta sa kanila.

Na-overwhelm nga si Direk FM sa ipinakitang suporta ng press sa kanilang proyekto. At sa kanyang pasasalamat, pansamantalang napatigil sa pagsasalita si Direk, yumuko, at lumuha.

Si Iza naman, dahil kaarawan niya, sa huli ay inawitan siya ng lahat ng maligayang kaarawan. At napaluha rin siya, dahil para sa kanya, sa sitwasyon ngayon, at sa pinagdaanan niya (lumaban sa coronavirus at nagwagi), maituturing niyang ito na raw ang pinaka-memorable na kaarawan sa kanya.

Well, sa totoo lang, dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, at dahil sa pandemya, maraming alagad ng showbiz ang emotional talaga. Na kapag pinag-uusapan ang nakaraan, hindi talaga naiiwasang maluha. At asam nga ng lahat, matapos na ang mga problemang ito.

Naniniwala naman si Maricel, na babangon ang showbiz.

“Kapag nasa ibaba ka, wala namang ibang pupuntahan kundi pataas. Ganun din na kapag nasa itaas ka, sa baba rin ang punta mo. So, malalampasan din natin ito,” saad ni Maricel.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.