Una sa Balita

Sori sa mga naitsapuwera – Marcial

By
0 1,364

IGINIIT ni Commissioner Willie Marcial na walang binago sa pagpili ng starters at reserves sa PBA All-Stars, kaya walang dapat ikasama ng loob ang mga nakaligtaan.

“Kasi ‘yan ay, one, pili ng fans ang starters, and two, pili ng coaches ‘yung mga natitira,” aniya.

Nagpaboto ang PBA sa fans noong first conference pa hanggang playoffs.

“Pagkatapos nu’n pinatigil ko para parehas labanan,” dagdag ni Marcial. “Tapos inulit natin (botohan) this conference for a week.”
Ibig lang sabihin ay hindi naimpluwensiyahan ng ibang bagay ang pili ng fans.

At taon-taon daw ay ginagawa ito ng PBA, kahit ano’ng procedure noong una pa ay ‘yun pa din ang sinusunod.

“Sa mga hindi nakasali, sorry. Baka next time … pero wala ta­yong binago sa pro­seso,” diin pa ni ­Marcial. “‘Di bale sana kung hindi natin sila nilagay sa listahan. Nasa lista­han naman sila lahat.”