Una sa Balita

Sophie type ni Ruru Madrid

By
0 3,952

Sa taping ng Sherlock Jr. nitong Lunes somewhere in Fairview ay naka-survive si Ruru Madrid na walang personal assistant. Birthday kasi ng PA ni Ruru na si Anton Cezario, Jr. at nag-celebrate siya na kasama ang relatives niya.

Bukod sa part ng creative ay masayang ipinost ni Ruru ang pagkakataong magdirek ng sariling teleserye na pinagkaloob sa kanya ng director nila. Mukhang may chance na maging director si Ruru in the future na parang sinusundan niya ang path ni Dingdong Dantes.

Halos araw-araw ang taping nila ng Sherlock, Jr. na lalong gumaganda ang bawat episode na ngayon ay sina Rafael Rosell at Sophie Albert ang current guest actors nila. Mukhang type ni Ruru si Sophie, huh.

Jak Roberto nakakaumay ang paghuhubad

Halos lahat na yata ng young actors ay nagpo-post ng nakahubad in time for summer. Ibig sabihin maganda ang pangangatawan nila gaya ni Jak Roberto na dahil sa madalas nilang hubad na pictures ay nakakaumay na.

Nagtataka lamang kami kung bakit never pa namin nakita si Jeric Gonzales na half naked or kakaiba sa ibang actors. Madalas naman ang posting niya sa IG ng mga pagpunta niya sa mga gym. Hindi kaya may itinatago ito?

Masuwerte siya ngayon at napapansin ang akting niya sa Kambal, Karibal na bonggang-bongga ang ratings. Nagkaroon pa siya ng ka-love team huh.

Ian faithful sa asawa

Bata pa lang si Ian Veneracion ay magkakilala na kami nung That’s Entertainment days niya. As the years pass by ay nakilala namin ang masipag niyang asawa na si Pam Gallardo na laging nakatutok sa mga negosyo nila noon pa man na may convenience store sila.

Minsan nasalubong namin si Ian sa hallway ng ABS-CBN kasama ang anak na binatilyo at buong ningning na ipinakilala sa amin. Hindi man kami madalas magkita ay hindi niya kami nalilimutan at gaya ni John Lloyd Cruz ay siya pa ang unang bumabati sa amin.

Noong kabataan niyan ay may pagkapilyo rin, pero faithful sa asawa. Ngayon bukod sa isang magaling na aktor ay singer din siya. Magkaakroon siya ng concert sa Waterfront Hotel sa Cebu.

Launching din ng single niya na siya mismo ang sumulat. In fairness maganda talaga ang boses ni Ian.