Una sa Balita

Sophie Albert itinanggi ang kasal kay Vin Abrenica

0 822

abante-talbog-joe-barramedaHindi raw totoong magpapakasal na sila ni Vin Abrenica, ayon mismo kay Sophie Albert. Sa interview kasi kay Vin ay sinabi niyang handa na siyang pakasalan si Sophie.

“Napag-uusapan naman namin na, ‘O tayo na’, parang may ano na, may…ako feeling ko lang din siya na, siya din sinasabi niya na feeling niya siya na, so kung mag-propose siya alam naman din namin na kami na, so ganun, pero hindi ngayon, alam niya rin na hindi ngayon, hindi puwede,” sabi ni Sophie.

Kinumusta naman namin kay Sophie ang kundisyon ng kanyang ama na 17 years nang bedridden.

“He’s mild stuporous, that’s the ano…It’s parang a stage higher than comatose.

“May times na tulog siya, may times na hindi, parang tayo pa rin. He can’t move on his own, he can’t speak but wala siyang life support, nothing, and he can’t…and he feels pain, so ‘yun ‘yung situation niya.”

Nagsimula raw ito sa isang stroke/heart attack.

“He was only forty-nine nung nangyari ‘yun, and then ano, parang he was feeling bad for a long time kaso lang ano siya takot siya sa doctor, so hindi siya nagpa-check until malala na.

“So on the way to the hospital nag-cardiac arrest siya sa car, so pagdating dun he was already unconscious.”

“Actually, it’s a miracle in itself, kasi ‘di ba usually like pag bedridden, nagkaka-bed sore? Siya wala.

“Nothing. As in kapag tingnan mo siya, mukha siyang healthy, yung face niya…kasi dati nung nasa Makati Med pa siya, in Makati Med kasi ‘yung ICU niya pabilog siya, tapos makikita mo lahat ng mga patients, so pag matagal nang comatose ‘yung talaga ‘yung cheeks nagiging sunken na, pumapayat na.

“My dad hindi. Ano siya, healthy siya. Siyempre ‘yung legs niya payat kasi hindi siya nakakalakad, pero his arms, his face, healthy, mapula-pula pa, ‘yung ganun,” kuwento pa ng isa sa mga bida sa Pamilya Roces.

 

Sanya, Derrick mga makabagong ST star

Napakapilyo talaga ni Derrick Monasterio. Kunsabagay may pagka-naughty na ‘yan talaga noong araw pa man.

Game na game sumagot sa mga naughty questions lalo na about sex. Eh, lalo na ngayon na may pelikula sila ni Sanya Lopez, ang Wild and Free under Regal Entertainment.

Kung tutuusin ay adult movie na ito. Sa trailer pa lang ay parang nagbabalik ang ST Films. Parang sila nga ang mga maka­bagong ST star, ha!

Hindi naman nahirapan sina Derrick at Sanya dahil inalalayan naman daw nila ang isa’t isa, lalo na sa mga love scene.

Kung walang experience si Sanya ay game naman sinasagot ni Derrick ang mga tanong tungkol sa past experience niya sa mga naka-chorvahan niya at mga exes. Normal na sa amin ang mga biro at sensual na sagot ni Derrick lalo na ngayon na nagma-mature na siya.

Bukod sa box office appeal ay kabado si Derrick sa magiging reaction ng mga netizen sa mga sexy scene niya sa Wild and Free na sa October 10 na ang opening.

 

Tekla, Kimpoy walang happy ending?

Nalalapit na ang pagtatapos ng Inday Will Always Love You (IWALY). At marami ang sure na makaka-miss sa primetime show nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Magkakatuluyan pa nga ba ang karakter nila? Curious din ang viewers kung mayroong happy ending ang tambalan nina Super Tekla at Kimpoy Feliciano. Bukod kasi sa DerBie, marami rin kasing napasaya ang ‘love team’ ng PoyTek sa IWALY. Magkaroon kaya ng ‘sepanx’ o separation anxiety si Kimpoy sa PoyTek?

Nakakalungkot man na magtatapos na ang kanilang serye, malamang ay masaya pa rin si Kimpoy dahil balita namin ay kinilala siya bilang Most Influential Male Social Media Personality sa Alta Awards ng University of Perpetual Help-Las Piñas. Patunay ito na mas lalo pang nakilala si Kimpoy dahil sa IWALY.

 

Kate maldita, inggitera talaga

Hinahangaan ng mga fan si Kate Valdez bilang si Natalie sa Onanay. Iba naman kasi talaga ang level ng pag-arte ng dalaga kaya pati ang mga manonood ay hindi mapigilang mag-react sa mga kamalditahan at pagiging inggitera ni Natalie sa programa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy