Una sa Balita

Sophie Albert gustong ipakulong ng mga fan

0 330

abante-talbog-joe-barrameda

Saludo ako kay Sophie ALbert. Ito na yata ang pinaka-challenging role niya bilang kontrabida.

Makapigil-hininga ang mga kaganapan ngayon sa top-rating Afternoon Prime na “Bihag” dahil sa nalalapit nitong pagtatapos sa susunod na linggo.

Umabot na nga sa sukdulan ang kasamaan ng kontrabidang si Reign (Sophie Albert) nang ikulong niya si Jessie (Max Collins) sa isang masikip na kahon para tuluyan na niyang masolo ang kinababaliwang si Brylle (Jason Abalos).

Super convincing nga talaga ng acting ng mga bida to the point na hindi na mapigilan ng mga tagasubaybay ng teleserye na ipahayag ang kanilang saloobin sa social media.

Say pa ng YouTube user na si Mhae L, “Kailan kaya mahuhuli itong si Reign? Excited na akong makulong siya!”

Dagdag pa ng netizen na si Catherine Cargason, “Dapat triple yung parusa para kay Reign! gigil ako sa baliw na babaeng yan hahahaha!”

Thea Tolentino mapang-api sa kapwa artista

Isa si Thea Tolentino sa mga kinikilalang kontrabida ng kanyang henerasyon dahil sa galing niyang mang-api ng mga bida. Mula sa kanyang pagsali sa GMA artista seach na Protégé kung saan nanalo siya with Jeric Gonzales, napatunayan ng Kapuso actress na mayroon siyang ibubuga bida man o kon-trabida ang kanyang gampanan.

Ngayon na kabilang si Thea sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Madrasta”, pinapangako ng aktres na kakaibang kontrabida character ang ipamamalas niya sa mga manonood. Hindi lang daw tipikal na agawan serye ang “Madrasta”, malalim daw ang panghuhugutan ng mga karakter na kanilang gagampanan sa show.

Jillian Ward mas mahinhin pa sa dahong makahiya

Aba dalaga na ang da-ting child star namin na si Jillian Ward. Mahinhin pa sa makahiya, huh.

Kasama sa cast ng upcoming teleserye na “Prima Donnas” si Jillian na magsisimula sa August 19. Bibida rin sa serye sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, Benjie Paras, Elijah Alejo at Aiko Melendez at ang tatlong magkakapatid na sina Jillian Ward, Sophie Pablo at Althea Ablan.

Kwento ito ng tatlong ta-gapagmana na mawawalay sa kanilang tunay na mga magulang dahil sa inggit at ganid ng iilan na hindi hahayaang mapasakamay nila ang yaman at pagmamahal na dapat naman ay kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy