Una sa Balita

SONA ni Digong higit 30 minuto kung walang adlib

By
0 741

Magiging maiksi lamang ang laman ng State Of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa Hulyo 24 sa Batasang Pambansa.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap na ng ginagawang pagha­handa sa ikatlong SONA ng Presidente.

Ayon kay Roque, babasahin lamang ng Pa­ngulo ang kanyang SONA na hindi tatagal ng 35 minutos, ‘di tulad ng na­kalipas na dal awang SONA nito na inabot ng mahigit isang oras.

Kasabay nito ay ki­num­pirma ng kalihim na si Joyce Bernal ang kinuhang direktor para sa nasabing okasyon.

“Sinabi rin po ng Pre­sidente na babasahin po niya ang kaniyang SONA at ito po ay hindi tatagal ng 35 minutes. Si Binibi­ning Joyce Bernal po ang nakuha nating direktor para sa SONA,” ani Roque.

Bago ang SONA ng Pangulo ay may inilunsad na pre-SONA briefing ang mga economic cluster sa Philippine International Convention Center (PICC) kung saan ilalahad ang mga nagawa ng Duterte administration.

Hindi naman masabi ni Roque kung mag-a adlib ang Pangulo sa kanyang SONA dahil kilala ito sa tuloy-tuloy na pagsasalita sa kanyang mga talumpati kahit pa may nakahanda itong speech.