Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SONA ng Pangulo

0 512

Ang state-of-the-nation address o SONA ay isangobligasyong konstitusyunal at taunang tradisyon kung saan nag-uulat sa bayan ang ating pangulo, naglalatag ng plano ng gobyerno at nagpapanukala sa Kongreso ng mga kailangang batas.

Ngayong araw, magaganap po ang ika-5 SONA ng atingpangulong Rodrigo Duterte at ika-82 SONA naman sakasaysayan ng Pilipinas.

Subalit hindi po katulad nang mga nagdaang taon, magiging limitado ang bilang ng mga dadalo sa SONA ng pangulo dahil sa pandemya.

Sadyang kakaiba nga po ang idaraos na SONA ngayongaraw sapagkat nakatuon ang atensyon ng lahat ng mgaPilipino sa pinakamalubhang suliranin ng ating bayan – ang patuloy na pagtaas ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Inaasahan ng taumbayan na marinig ang tunay na estadong bansa kaugnay ng patuloy na pananalanta ng pandemya at ang komprehensibong plano para makatugon ang pamahalaan at mabigyan ng kapanataganang ating mga kababayan.

Higit sa lahat, inaasahan ng mga mamamayan ang mgakonkretong plano ng gobyerno para sa mga nawalan ng trabaho gayundin sa mga tumiklop na negosyo at nanganganib na magsara dahil sa patuloy na pagkaparalisa ng ating ekonomiya.

Pumalo po sa 17.7% ang ating unemployment rate o katumbas ng 7.3 milyong Pilipinong walang trabaho sakasagsagan ng pagpapatupad ng lockdown.

Maraming mga OFW rin po ang naghihintay ng repatriation at tulong mula sa ating gobyerno dahil sapagpapatupad ng patakarang no-work, no pay sa mgabansa kung saan sila nagtatrabaho.

Tinatayang aabot sa 400,000 na mga OFW ang matatanggal sa kanilang trabaho dahil sa pandemyadahilan ng pagbaba ng dollar remittance mula sa atingmga kababayan sa abroad.

Kaya inaasahan po natin ang anunsyo mula sa atingpangulo para sa full reintegration program ng mga OFW at lubos na pangangalaga sa mga balikbayang naka-quarantine.

Nangunguna pa rin po ang Pilipinas sa buong ASEAN sabilang ng mga COVID-19 cases kung saan mahigit 80,000 na ang mga tinamaan ng COVID-19.

Kaya inaasahan din po nating marinig ang konkretongplano para sa ating mga frontliner na patuloy na dumaraing dahil sa tila mababang antas ng suporta sakanila.

Marami ring mga ospital ang nagdeklara na ng “full capacity” habang halos 3,000 mga healtcare worker naman ang tinamaan ng COVID-19.

Hindi rin po dapat makalimutan sa SONA ng pangulo ang education sector at ang halos 35-milyong mag-aaral na labis na naaapektuhan ng pandemya.

Katunayan, pangalawa po ang edukasyon sa mga sektorna may pinakamalaking bilang ng mga manggagawangnawalan ng trabaho.

Sa kabila nito, malaking halaga ng pondo ng DepEd, CHED at TESDA ang ginamit ng gobyerno para saCOVID-19.

Isa po sa mga naapektuhan ay ang pondo para saisinulong nating “Tulong-Trabaho Fund” na maaari sanangmagamit ngayon para sa training at pang-ayuda sapaghahanap ng trabaho ng ating mga kababayan.

Kaya’t isinusulong po natin ang pagbibigay ng loan program o pautang ng mga government financial institution sa mga eskwelahan para sa pagbili ng mgagadget at equipment na magagamit sa blended o flexible learning.

Kung mabigat po sa dibdib na malamang may mgakababayan tayong namamatay dahil sa COVID-19, nakakadurog din po ng puso ang malamang may mgaeskwelahang nagsasara dahil sa epekto ng pandemya.

​Kapag po trabaho at edukasyon na ang nagingbiktima ng pandemya, hindi lang po mahihirapanghuminga ang ating ekonomiya, baka maghingalo rin ang pangarap at pag-asang kinakapitan ng ating mgakababayan. Hindi po tayo makakapayag na mangyari ito.

Inaasahan po natin na bibigyang pansin ng ating panguloang dalawang mahalagang mga isyung ito sa kanyangSONA ngayong araw.

senatorjoelvillanueva@yahoo.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.