Una sa Balita

Somalia hotel inatake, 5 patay

0 355

Namatay ang may lima katao matapos atakehin ng mga tero­rista ang isang hotel malapit sa presidential palace sa Mogadishu, Somalia.

Ayon sa isang police officer sa Aljazeera report, akala nila’y mga pulis ang mga ito pero nang magsimula na silang batuhan ng mga granada at magpaputok ay gumanti na rin sila ng putok sa gate ng hotel.

Kabilang sa napatay ng security forces sa labas ng hotel ang dalawa sa mga Al-Shabab gunman.

Samantala, 82 katao naman na pawang mga sibilyan ang na-rescue.

Madalas mang-atake ang Al-Shabab sa Somalia maging sa kalapit nitong Kenya. (Issa ­Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy