Una sa Balita

Solusyunan ang problema sa trapik!

0 468

Dear Abante:

Ang isyung panlipunan na gusto kong pagtuunan ng pansin ay marahil ang walang katapusan na “traffic” na nararanasan sa Metro Manila. Ito ang isyu na hindi mawala-wala at hindi mabigyan ng solusyon ng kada administrasyon na mayroon sa Pilipinas.

Ito ang isyu na pang araw-araw na kinakaharap ng Pilipino na araw-araw nagko-comute, pumapasok sa ­trabaho, at pumapasok sa eskuwela. Ika nga nila “­papasok ka pa lang amoy pauwi na.”

Ang gobyerno ay gumagawa naman ng mga ­hakbang upang kahit papaano’y maibsan ang hirap ng mga ­commuter ang traffic at ilan sa mga hakbang na ito ay ang pagkakaroon ng “yellow lane policy” at pagbibigay ng libreng sakay sa mga commuter.

Bakit nga ba hindi mabigyan ng epiktibong solusyon ang isyu sa traffic?

Sino na nga ba ang may pagkukulang ang mamamayan o ang gobyerno?

Norman Santillano

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy