Una sa Balita

Soltones, Urdas pinagpag ang Marinerang Pilipina

0 229

Mga laro sa Martes:
(Muntinlupa Sports Center)
4:15 p.m. – Petron vs Marinerang Pilipina
7:00 p.m. – Cignal vs PLDT

NAGTULUNGAN sina Grethcel Soltones at Aiko Urdas upang tapusin sa tatlong set ang Marinerang Pilipina Skippers, 25-16, 25-23, 25-20, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Simula pa lang ng laban ay humarurot na sa opensa sina Urdas at former NCAA Most Valuable Player (MVP) Soltones, nagpalitan ng palo para makuha ng Power Hitters ang pang-apat na panalo sa 11 salang.

Nagtala si Soltones ng 11 puntos habang siyam ang kinana ni Urdas.

Nakatuwang nina Soltones at Urdas si Rysabelle Devanadera na nagtala ng anim na puntos, dalawang service aces at isang block.

Nakalamang ang Skippers sa second frame, 13-8 pero nagawa pa rin ng Lifesa­vers na makaahon at makuha ang panalo.

“Maganda ginawa ni coach sa second set kasi maaga pa lang pinalitan na niya ‘yung tao para mabago na ‘yung ikot ng laro,” saad ni Devanadera. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy