Una sa Balita

Solons kay Ping: Pangalanan mo!

By
Sen. Panfilo Ping Lacson
0 2

Naghuhulaan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung sino sa mga kongresista ang gumagamit ng ilegal na droga na isiniwalat ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson.

“Meron siguro,” ani Surigao del Norte Rep. Robert ‘Ace’ Barbers sa panayam kahapon.

Dahil dito, napapanahon umano ang kanyang panukala na sumailalim ang lahat, hindi lamang ng mga mambabatas, kundi ang empleyado ng Kamara sa drug test upang matukoy kung sino sa kanila ang gumagamit na ilegal na droga.

Sa 298 congressmen, tanging si Isabela Rep. Rodito Albano pa lamang ang sumailalim sa drug test kung saan nagnegatibo umano ito sa ginawang pagsusuri ng St. Luke’s Medical Center.

Subalit kung si CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna ang tatanungin, nararapat lang na pangalanan na ni Lacson ang kongresista na drug addict dahil lahat ng mambabatas ngayon ay suspek na.

“Para sa akin, sweeping at general ang statement ni Sen. Lacson. Parang fishing expedition. Nakakasira ng pangalan at maaaring bumaba ang tingin ng taumbayan sa institusyon ng Lower House,” ani Tugna.