Una sa Balita

Solon tinulugan ang mga sinalanta ng baha

By
0 315

Kapag panahon ng kampanya, gagawin niya ang lahat para marating ang tirahan ng mga botante.

Subalit nang manga­ilangan ng tulong ang kanyang nasasakupan sa panahon ng kalamidad, hindi na mahagilap ang mambabatas.

Nabisto ni Mang Teban na hindi alam ni congressman kung anong mga lugar sa kanyang distrito binaha.

Katuwiran ni mokong, trabaho daw ni Mayor ang pag-asikaso ng mga ito, tila pinalala­bas na ang pagbalangkas lang ng panu­kalang batas ang obligasyon niya sa kanyang nasasakupan.

Aba’y mukhang natulog lang si congressman habang ga-baywang na ang tubig baha sa ilang komunidad na madalas niyang bisitahin lalo na kung papalapit ang eleksyon.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na tinulugan lang ang mga binaha sa kanyang distrito ay lulutang dahil sa katabaan. May letrang T sa kanyang pangalan as in Timbangan.