Una sa Balita

Solon tinabla sa kampo militar

By
0 660

SINO itong miyembro ng Lower House ang muntik nang hindi papasukin sa isang kampo militar kamakailan?

Napag-alaman ni Mang Teban na naki­pagtalo daw kasi itong mambabatas kung bakit kailangan pa siyang mag-iwan ng identification card gayung miyembro naman siya ng Kamara.

Mistulang nalusaw na kandila kasi ang mambabatas dahil tinabla ang kanyang status bilang isang congressman.

Sa Kongreso kasi, sumasaludo pa sa kanya ang mga guwardiyang nakabantay sa gate at sa entrance ng main building patu­ngong plenary session.

Subalit sa pagdalaw niya sa kampo mi­litar, nagmistula siyang messenger na hini­ngan pa ng ID ng guard para lamang makapasok doon.

Naimbyerna daw ang mambabatas, kulang na lang ay magwalk-out pero dahil may importante siyang pulong na dapat daluhan ay bumigay na lang sa utos ng guwardiya.

Pintahan n’yo na. Ang congressman na tinabla ang mukha sa pagdalaw sa kampo militar ay yumaman sa dating trabaho. May letrang R sa kanyang pangalan, as in Raket.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy