Una sa Balita

Solon takot masingil sa overseas call

0 413

Kapag nangingibang bansa itong kuripot na mambabatas, sinasabihan niya ang kanyang mga staff na huwag tatawag maliban na lamang kung importante ang ipaparating na mensahe.

Ganito rin ang naging palakad ng mambabatas sa ibang kaibigan na gustong makipag-usap sa kanya habang ito’y nasa abroad.

Isang kaibigan na hindi gamay sa patakaran ng mambabatas ang naka-ilang miscall daw habang nasa abroad itong ating bida.

Nang umabot na sa sampung miscall, doon na nagpadala ng text message ang mambabatas at inutusan ang caller na tumawag gamit ang viber.

Ayaw palang masi­ngil ng mambabatas sa overseas call kaya’t dinededma nito ang tawag ng kaibigan.

Pintahan niyo na. Ang mamba­batas na takot masingil sa overseas call ay kilalang maepal at may letrang D sa kanyang pangalan as in Daldal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy