Una sa Balita

Solon takot ma-bash sa sintunadong boses

By
0 402

GAME sa kantahan itong isang mambabatas kaya’t bumirit ito sa kanyang Christmas party.

Subalit ayon kay Mang Teban, binalaan daw ng solon ang mga mamamahayag na huwag ilabas sa social media ang video ng kanyang pagkanta.

Ang kuwento, hiyang-hiya pa ang ating bida nang hingan ng song number ng mga host sa event.

Noong una ay ipinapakita pa ng solon na napipilitan lamang siya sa pagkanta pero kinalaunan ay nag-enjoy na ito at umabot pa ng tatlo ang kanta.

Gayunman, sa kalagitnaan ng pagkanta ng solon, nagpaalala ito sa mga media na hindi dapat lumabas ang video.

Partikular pang tinukoy ang online media na madalas maglabas ng mga kakaibang video ng mga politiko.

Iginiit ng ating bida na baka ‘pag lumabas ang kanyang video ng pagkanta ay bigla siyang mawala sa puwesto sa Kapulungan.

Pintahan niyo na. Ang ating bida na nais itago ang boses pero nag-enjoy naman sa pagkanta ay may letrang R sa kanyang apelyido as in Red Alert.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy