Una sa Balita

Solon sigurista sa halalan

0 306

PALIBHASA’Y walang mabigat na kalaban, umatras sa kanyang reeleksyon ang isang miyembro ng Upper House.

Nabatid na ang anak na lamang niya ang pinatakbo na sinasabing liyamado sa halalan.

Ginawa daw ito ng mambabatas upang masiguro ang mahabang termino sa muli niyang pagtakbo sa 2022 election.

Kung tumakbo daw kasi ang mambabatas ngayon, ikatlong termino na niya ito at hindi na ito makakahirit ng reeleksyon sa susunod na halalan.

Dahil hindi naman mabigat ang kalaban ngayong halalan, nagbakasyon muna ang mambabatas at hina­yaang sumabak ang anak.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na sigurista sa halalan ay mahirap buhatin. May letrang T sa kanyang pangalan as in Tumbong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy