Una sa Balita

Solon sagana sa pa-cute kulang sa gawa

0 308

HINDI ikinatutuwa ng kanyang mga constituent ang puro pa-cute na proyekto ng isang kongresista sa Luzon.

Imbes na magpaggawa ng mga sirang kalsada at tulay ay basketball court ang pinagkakaabalahan nito.

Siguro gustong magpabida ng kongresista sa kabataan.

Pero mas magiging malakas sana ang hatak nito kung sa mas kapaki-pakinabang na bagay niya inilalaan ang pondo para sa kanyang distrito.

Malapit sa kusina ang nasabing kongresista as in malakas sa liderato ng Kamara

Malakas sumipsip kung sino ang nasa poder kaya hindi nabobokya sa pondo.

Madalas din itong mapuna at mapulaan ng kanyang mga kasama­han sa Kamara dahil kahit minsan ay hindi pa umano ito nagsagawa ng pagdinig ang pinamumunuan nitong komite.

Pintahan niyo na. Babae ang mambabatas at may letrang D sa kanyang pangalan as in Dribol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy