Una sa Balita

Solon sa RWM: Nasaan ang inyong fire compliant?

By
0 2

Nais ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na ilabas ng Resorts World Manila ang kanilang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) kasunod ng pagbalik ng kanilang operasyon.

“Iyong mga tao namatay dahil sa smoke inhalation, so isa doon sa tinutukan natin na mga issue was iyong kung mayroong valid fire inspection safety certificate iyong Resorts World. So, ang concern na lang natin ngayong nag-open na ang Resorts World Manila, mayroon na ba silang permit?” pahayag ni Bia­zon na Senior Vice Chairman ng House committee on national defense and security.

Ang FSIC ay isang pre-requisite bago isyuhan ng Occupancy Permit ang isang establisimiyento.

Naniniwala si Biazon na kung nainspeksyon ng BFP ang RWM ay maaaring hindi ganoon kalaki ang naging pinsala noong June 2 incident.

“For example kung ang Bureau of Fire and Protection ay naging bahagi ng inspection ay mas naging familiar sila dapat sa physical structure ng building, they could have done better sa firefighting ng nangyaring incident, pero wala eh,” giit ni Biazon.

Matatandaan na sa naganap na RWM investigation ng Kamara ay inamin ng RWM na hindi nainspeksyon ng BFP ang RWM dahil nasa ilalim sila ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) subalit nanindigan si Biazon na mas may expertise ang BFP na mangasiwa sa mga fire safety.