Una sa Balita

Solon pinagsugal mga barangay chairman

0 459

SINO raw itong mam­babatas ang binitbit ang mga kapitan ng kanilang barangay para mag-casino sa Macau?

Bawal kasi ang mga barangay official na magsugal o tumambay man lang sa mga casino sa Pilipinas kaya naisipan ng mambabatas na dalhin sila sa Macau.

Upang hindi mabisto ang kanilang kalokohan, sa Hong Kong pinag-check in ng mambabatas ang mga kapitan ng barangay at pagkatapos ay tumawid patungong Macau para magsugal.

Siyempre, sagot din ng mambabatas ang puhunan ng mga kapitan ng barangay sa casino.

Ang ibang hindi mahilig sa sugal, sa babae na lang ginastos ang binigay na pera ng mambabatas.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na pinag-casino ang mga kapitan ng barangay sa Macau ay mara­ming kapatid at may letrang S sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More