Una sa Balita

Solon nilayasan ng mga kaalyado

0 707

TYPE daw sana ng isang mambabatas na tumakbo bilang alkalde sa kanilang bayan.

Pero nang layasan siya ng kanyang mga kaalyado sa kanyang bayan, biglang kambyo ang mambabatas at piniling tumakbo na lamang ng reeleksyon.

Eh paano ba naman kasi, ayon sa nasagap na info ni Mang Teban, sinermunan ni Mokong ang ilang konsehal kaya’t nagtampo ang mga ito at sumakabilang-bakod.

Nang malaman na naglayasan ang mga taong tutukod sa kanyang kandidatura, aba’y dinaga na itong mambabatas at nagdesisyon na lang na tumakbo ng reeleksyon.

Ang classic nito, posibleng matalo sa 2019 elections ang mambabatas dahil lagi na lang motorsiklo ang inaasikaso imbes na magsimulang mag-ikot sa mga botante.

Pintahan n’yo na: Ang mambabatas na nilayasan ng mga kaalyado ay kilalang pikon. May letrang E sa kanyang pangalan as in ­Empoy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy