Una sa Balita

Solon napa-‘Wow!’ sa grado ni PDU30

By
0 1

Napa-wow si Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles sa nakakabilib at mataas na ratings ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan umabot sa 91% ang trust rating nito.

“Wow! Ang laging biro ni President Duterte noong panahon ng kampanya ay pasang-awa lang daw siya noong estud­yante pa siya. ‘Ika niya 75 lang daw mga grado niya. Pero ngayon, tingnan n’yo naman 91% Trust Rating! Halos perfect score po ang Presidente natin,” komento ng kongresista.

“People are not disappointed with the way the new President has been fulfilling his campaign promises. Let us continue to pray and work together with the President in effecting genuine change for the better,” ayon sa mambabatas.