Una sa Balita

Solon namudmod ng 100K

0 429

MASAGANA daw ang nagdaang Pasko ng mga sanggang-dikit ng isang mambabatas.

E pano naman kasi, tuma­taginting na P100,000 ang binigay na pamasko ng mambabatas sa mga die-hard­ follower nito.

Naganap daw ang bigayan ilang araw bago ang Pasko kaya naman tuwang-tuwa ang mga kaibigan nito.

Daig pa raw ng mga ito ang nanalo sa Christmas raffle ng kilalang bilyonaryong negosyante sa bansa.

Mukhang paldo daw ang mambabatas kaya binahagian niya ang mga taong malalapit sa kanya ng malaking pamasko.

Ang problema, kumalat sa ibang tao ang bonggang pamasko ng mambabatas kaya nagseselos ang ibang BFF ng lawmaker dahil sa nabukulan sila.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na namudmod ng tig-P100K ay may kamukhang artista at may letrang A sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More