Una sa Balita

Solon nakipag-agawan sa patay

By
0 1,874

Lahat ay gagawin ng isang miyembro ng Lower House para mapagsilbihan daw niya ang kanyang cons­tituent.

Kahit na dumating ito sa punto na maki­paglaban siya sa kalaban sa politiko sa kanilang lungsod.

Isang nakatatawang kuwento ang nasagap ni Mang Teban hinggil sa kakaibang serbisyo publiko ng mambabatas.

Bawat pobreng ma­mamatay sa kanyang distrito, sagot niya ang pagpapalibing sa mga public cemetery.

Siyempre, kasama na sa package ang kabaong na hindi mamahalin at mga tolda para sa mga taong gustong maglamay, magsakla, tong-its at makikikain lang, dahil sa walang makain sa ka­nilang bahay.

E ‘yung kalaban niyang politiko, mayroon din ganitong pakulo kaya’t nang mamatay ang isang pobreng naninirahan sa distrito ng mambabatas, aba’y nakipagtalo pa ang staff ng dalawang politiko kung kanino dapat mapunta ang pagseserbisyo sa bangkay.

Sa huli, ang mam­babatas din ang nagwagi dahil na rin sa mga staff nitong daig pa ang ahente ng punerarya kung makipag-agawan sa bangkay.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na may libreng palibing sa kanyang distrito ay kilalang balimbing sa kanilang lugar at may letrang T sa kanyang pangalan as in Timbang niya ay may kalakihan.