Una sa Balita

Solon nagtago sa group picture

0 232

KAPAG piktyuran ang eksena, laging hindi nagpapahuli itong isang miyembro ng Upper House.

Gusto kasi nitong senador, lagi siyang bida sa larawan kaya’t kailangang nasa harapan siya upang hindi masapawan.

Pero hindi lahat ng pagkakataon ay lagi itong nakabalandra dahil ayon sa napulot na impormasyon ni Mang Teban, nagtago daw ang mambabatas sa group picture nila ng kontrobersyal na personalidad sa bansa.

Sa sobrang pagtatago, aba’y halos bunbunan na lang ang makita sa senador.

Sa kabila nito, nakilala pa rin ang senador na kasama sa group picture kahit na ang ulo lang ang nakita sa kanya.
Pintahan n’yo na. Ang senador na nagtago sa group picture ay hindi matangkad subalit di naman pandak. May letrang O sa kanyang pangalan, as in type O.