Una sa Balita

Solon nagpasiklab sa mga giveaway

0 431

NAGPASIKLAB daw ang isang miyembro ng Lower House sa isang event na kanyang inorganisa kamakailan.

Bongga daw ang okasyon as in dinaig pa niya ang mga bilyonaryong negosyante sa bansa.

Eh paano ba naman kasi, sa pag-uwi ng kanyang mga bisita ay may bitbit pa silang mamahaling giveaway.

Ilan kasi sa pinamigay ay mga cellphone at iba pang mamahaling gadget na pakikinaba­ngan ng mga mambabatas.

Daig pa nga raw ng mambabatas ang nanalo sa lotto sa laki ng pinamigay na balato eheste paba­on sa kanilang pag-uwi.

Wala nga raw binatbat si Janet Napoles noong hindi pa ito nakakulong at pinalilibutan ng mga kurakot na politiko.

Nagdududa na tuloy ang iba kung saan kinukuha ng mambabatas ang milyones at tinatapon lamang bilang giveaway sa mga bisita.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na nagpasiklab sa mga giveaway ay guwapo at may letrang A sa kanyang pangalan as in Andatung!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More