Solon nagpalibre sa senatoriable

0 408

NAGPATAWAG daw ng miting itong mambabatas sa isang lumang hotel sa Makati City upang pag-usapan ang kanilang estratehiya ngayong halalan.

Dumating naman daw ang mga taong kanyang inimbita, kabilang na ang isang senatoriable.

Subalit hindi agad maumpisahan ang miting dahil wala palang bitbit na datung ang mambabatas pati na ang kanyang dakilang alalay.

Nakaramdam naman daw ang senatoriable sa problema ng mambabatas kaya’t siya na lamang ang umako sa gastusin ng miting sa hotel.

Nabatid na kilalang makunat ang mam­babatas kaya’t mahilig itong magpalib­re lalo na sa mga dayuhang Chinese.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na nagpalibre sa senatoriable ay may asawa at may letrang P sa kanyang pangalan as in Pangga.

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...