Una sa Balita

Solon nagpa-raffle ng P300

0 313

Kaya ng isang miyembro ng Lower House na maglibre ng biyahe sa abroad upang maipakita na galante siya.

Hindi lang sa Hong Kong ipinapadala ang mga kaibigan niya kundi pati na sa malalayong lugar tulad ng Dubai at sa ilang bahagi ng Europe.

Subalit isang beses, nagulat na lamang ang mga taong kakilala ni congressman nang magbigay ito ng pera bilang pang-raffle sa Christmas party.

Sa nakuhang info ni Mang Teban, tumatagin­ting na P300 ang ipina-raffle ni congressman at muntik pang itapon ng nanalo ang premyong nakuha niya mula sa mambabatas.

Binaterya tuloy ang mambabatas sa pagpapa-raffle ng P300 kaya’t napilitan itong dagdagan ang pera sa taong nanalo.

Pintahan niyo na. Ang congressman na nagpa-raffle ng P300 ay maru­nong magsalita ng bisaya at kamukha niya ang isang dating opisyal na sanggang dikit ng Pangulo. May letrang A sa kanyang pangalan as in Anda o datung.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy