Una sa Balita

Solon nagkalat sa basketball

0 447

HILIG daw ng isang mambabatas na maglaro ng basketball kaya’t palaging nagyayaya sa mga kasamahan sa trabaho.

Todo porma raw ang mambabatas as in naka-jersey kapag pumupunta sa playing court.

Pero imbes na magpasiklab sa paglalaro, puros pagkakalat lang daw ang ginagawa ng mambabatas.

Gusto pa raw gayahin si Skywalker Samboy Lim pero nang mag-360 ito sa ere, nahilo yata kaya hinagis na lang ang bola sa backboard.

Marami raw tuloy ang natatawa sa performance ng mambabatas pero in fairness ay hindi napikon ang mama as in sports lang siya sa mga puna.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na nagkalat sa basketball ay tisoy at may letrang C sa kanyang pangalan as in Court.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy