Una sa Balita

Solon nagdamot sa regalo

0 452

Nakakadismaya naman itong isang mambabatas na hirap mahingan ng regalo ngayong malapit na ang Kapaskuhan.

Ayon sa kuwento­ ni Mang Teban, maraming­ nadismaya sa tanggapan ng isang lady solon na ito dahil nganga sila sa pag-solicit ng pampa-raffle para sana sa kanilang Christmas party.

Nobyembre pa lamang ay may ilang asosasyon o grupo ang nagpunta sa tanggapan nito para sana makahingi ng pampa-raffle. Nagdala pa sila ng letter para naman pormal ang kanilang paghingi ng regalo.

Sinabihan naman sila na iwan na lang ang letter at tatawagan na lang ang mga ito kapag ready na ang kanilang pampa-raffle. Subalit makalipas ang dalawang linggo, tinawagan ang mga nag-solicit dahil wala silang budget at babawi na lang daw sa susunod na taon.

Dismayado naman ang mga cons­tituent ng solon na ito dahil nangako ito sa kanila noong kampanya na tutulungan sila at ang kanilang grupo sa kanilang mga panga­ngailangan kapalit ng kanilang boto.

Bilang ganti, nagbanta ang grupo na ize-zero vote sa susunod na eleksiyon nila ang kanilang kababayang kongresista dahil sa pagdadamot nito sa kanila. Sino siya?

Pintahan n’yo na: Mula sa Central Luzon ang madamot na mambabatas na ito na may letrang T sa kanyang apelyido as mahilig sa ‘taguan’ si cong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy