Una sa Balita

Solon nagbibilang ng araw sa malas na kuwarto

0 594

KAPANSIN-pansin ang pintuan ng isang mambabatas dahil imbes na pang-good vibes, mga numero ang nakabalandra dito.

Napansin ni Mang Teban na bukod-ta­nging ang mambabatas lamang ang naglagay ng malaking three-digit na numero sa kanyang pintuan, kung saan bawat lumipas na araw ay nagbabago ang numero.

Ang ibang pintuan, lalo na ang mga makukunat na mambabatas ay ‘no solicitation’ ang ipinapaskil sa pinto, kaya’t ang mambabatas lang ang naiiba ng nakapaskil sa harap ng tanggapan.

Ang nangyayari tuloy, ginagawang background sa selfie o groupie ang pinto ng mambabatas, kahit na may dalang kamalasan ang nasabing tanggapan dahil na rin sa nangyari sa mga da­ting nag-opisina doon.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na nagbibilang ng araw ng kanyang kamalasan ay kilalang palaban. Kung siya ay senador o congressman, hulaan n’yo sa letrang ‘L’ as in Losyang.