Una sa Balita

Solon nabiktima ng impostor

0 410

Sino daw itong mi­yembro ng Lower House ang nabiktima ng nagpakilalang lider ng mga reporter?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban, laging akay daw ng staff ang matandang kongresista upang ma-interview ito ng mga reporter.

Itong congressman naman, bilib na bilib sa staff dahil nabibigyan siya ng media exposure.

Napaniwala itong mambabatas na ang staff daw ang kinikila­lang lider ng mga reporter doon.

Isang beses, nagtanong daw itong si congressman sa mga reporter kung nasaan na ang kanilang lider kaya’t nagulantang sila dahil wala naman silang organisasyon para magkaroon ng presidente o lider.

Nagkamot na lang ng ulo itong matandang congressman dahil nayari pala siya ng nagpakilalang lider ng mga reporter.
Pintahan n’yo na. Ang congressman na nabiktima ng impostor na lider ay walang congressional district. May letrang D sa kanyang pangalan, as in Datung.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy