Una sa Balita

Solon na-OP, muntik magwalk-out

By
0 331

Dahil nagmukhang ‘OP’ o out of place at walang silbi, muntikan nang layasan ng isang mambabatas ang isang aktibidad sa kanyang sariling lugar.

Paano naman kasi mga utaw, bumida na naman ang pabibong miyembro ng Gabinete na nag-iikot sa iba’t ibang lugar para iba­hagi ang mga ginagawa ng gobyerno.

Halos isang oras na kasing nakaupo si mambabatas katabi si boy bibo pero hindi man lang siya pinagsasalita nito.
Napanisan na ng laway ang mambabatas at puwede ng malason pero hindi man lang ito pinahawak ng mikropono ni boy bibo kaya umaktong tatayo na ito sa kanyang upuan.

Mabuti na lamang at nakaramdan ang moderator at naging maagap na pinigilan ang mambabatas na umalis.

Napangiti na lamang si sir at umupo ulit kahit halatang napipilitan lang.

Saka lamang kumambiyo si boy bibo at nagbigay ng pakunsuwelo de bobong pa­sasalamat kay mambabatas.

Pintahan nyo na: Ang mambabatas na muntik mag-walk out ay isa sa iilang supporter ng Pangulo sa nakaraang eleksiyon at isa sa mga guwa­ping ng Senado.