Una sa Balita

Solon muntik maihi sa trapik

0 506

MUNTIK nang maihi sa kanyang pantalon ang isang mambabatas dahil sa sobrang trapik sa lugar na kanyang pinuntahan.

Kung may pakpak lang ang kanyang SUV, pinalipad na sana ng mambabatas ang sasakyan para makarating sa kanyang destinasyon.

Hindi naman siya makababa sa sasakyan dahil nasa gitna ito ng expressway at baka mahuli siya ng mga nagpapatrulyang traffic officer sa lugar.

Ang masaklap nito, baka makunan pa siya ng video at maging viral siya sa pag-ihi sa expressway.

Tiniis daw ng mambabatas ang muntikang pagsabog ng kanyang pantog at dahil sa kaun­ting dasal ay umusad din ang kanyang sasakyan at nakarating sa destinasyon kaya agad itong tumungo ng comfort room para magbawas.

Pintahan n’yo na: Ang mambabatas na muntik maihi sa ­sasakyan dahil sa trapik ay may katabaan at may letrang B sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More