Una sa Balita

Solon may espiya sa press room

0 308

Sino raw itong mambabatas ang nagpakawala ng mga espiya sa working area ng mga reporter?

Sa impormasyong nasagap ni Mang Teban, palagi raw tumatambay sa press room ang mga staff ng mambabatas.

Bagama’t nasa taas ang kanilang opisina, palagi raw bumababa sa press room ang mga staff ng maimpluwensiyang mambabatas upang amuyin ang mga ginagawang istorya ng mga reporter.

Marami raw ang nakahalata sa tunay na pakay ng mga staff dahil sa hindi naman sila kailangan sa press room.

Siyempre nga naman, kapag may negative issue sa kanilang boss ay maaga nila itong maipaparating sa mambabatas upang mahilot o kaya’y makapagbigay agad siya ng reaksyon.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na nagpakawala ng espiya sa working area ng mga reporter ay sanggang-dikit ng administrasyon at may letrang A sa kanyang pangalan as in Alam na this!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy