Una sa Balita

Solon may bar sa opis

0 450

Kapag oras ng trabaho, lagare ang mga staff ng mambabatas sa kanilang mga gawain.

Pero pagsapit ng gabi, nagiging­ bar ang opisina ng mamba­batas dahil dito siya nagpapainom­ ng bisita.

May extension kasi ang opisina ng mam­babatas na puwedeng tambayan ng mga bisi­ta kapag gabi.

Nakahanda rin ang mga mamahaling alak at beer ng mambabatas para naman ready agad sa laklakan pagkatapos ng oras ng trabaho.

Ang mga magaganda niyang staff ay nagtatransform naman bilang mga serbidora sa mga bisita.

In fairness sa mambabatas, hindi ito nagpapakalasing as in moderate lang ang pag-inom niya sa kanyang opisina.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas na may bar sa kanyang opisina ay galing sa maimpluwensiyang angkan ng politika at may letrang E sa kanyang pangalan as in Ewan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More