Una sa Balita

Solon late na, nagpasundo pa!

0 535

SOBRA raw magpa-VIP treatment itong isang mambabatas sa dinaluhang event sa labas ng Metro Manila.

Eh paano kasi, late na nga siya ng higit isang oras e ayaw pang dumiretso sa ve­nue.

Base sa info ni Mang Teban, nag-request pa raw ang mambabatas na sunduin siya sa kanyang kotse.

At hindi lang pi­pitsugin ang susundo sa kanya, gusto nito ay ang presidente ng orga­nisasyon ang pupunta sa parking area para sunduin siya patungo ng venue.

Kahit iritado na ang mga opisyal ng orga­nisasyon sa pagiging late ng mambabatas, pinagbigyan na lamang nila ang kapritso nito upang matapos lang ang event.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na super VIP treatment sa event ay kilalang mahilig du­maldal at may letrang A sa kanyang pangalan as in Aso.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy