Una sa Balita

Solon kinuyog sa panlalait sa mga doktor

0 616

Sa paghahangad na makapagpasikat, ‘bugbog’ ang inabot ng isang mambabatas matapos ipa­ngalandakan ang kanyang naging papel sa isang panukalang batas na malapit nang isabatas.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na bukod sa pagsunggab ng credit sa panukala, aba’y tila siniraan pa nito ang mga doktor na siyang nagsasalba sa buhay ng maraming nilalang sa mundo.

Nag-ala Mon Tulfo daw ang mambabatas dahil mistulang doctor shaming ang kanyang ginawa sa pagbibida ng kanyang papel sa panukala.

Kung hindi daw kasi sa taong katulad niya na hindi doktor, hindi magkakaroon ng kaganapan ang pangarap ng marami sa libreng pagpapagamot.

Matabil kasi ang bibig ng mambabatas kaya’t isinusuka na sa kanyang distrito at kilalang pikon din ito lalo na kapag napupulaan sa kanyang ginagawa.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na kinuyog dahil sa doctor shaming ay mahilig din mag-selfie. Kung ito ay senador o kongresista, hulaan niyo sa letrang E as in Empoy.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy