Una sa Balita

Solon kilig sa seksing TV reporter

By
0 2,757

Nagiging pakipot daw ang isang mambabatas kapag hinihingan ng reaksyon sa mga isyu.

Pero kapag ang mga magagandang tele­vision reporter ang nag-request ng interview, aba’y mabilis pa sa alas-kuwatro kung umoo.

Nakara­ting kay Mang Teban ang reklamo laban sa mambabatas na na­giging choosy daw ngayon da­hil sa pinipili lang ang mga taong sinasagot sa cellphone.

Kilala ang mambabatas na hilig ang ma­gagandang tsiks, kung saan naglalaway ito sa isang magandang aktres na kahit may anak na ay hot mama pa rin.

Kaya kapag gustong interbyuhin ng mga television repor­ter ang mambabatas, aba’y isang text lang ng magandang reporte­r ay lumalabas na sa kanyang lungga ang mambabatas.

Hindi naman daw dinidigahan ng mambabatas ang ma­gandang reporte­r kundi hanggang por­ma lang ito as in parang gusto lang nitong sumilay sa magandang dilag.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na nagkakandarapa sa ma­gandang television reporter ay kilalang matapang. Kung siya ay senador o congressman, hulaan niyo sa letrang S ang kanyang panga­lan as in Seksi ang hilig niya.