Una sa Balita

Solon kay Pacquiao: ‘Wag maging sarado ang isip

By
0 127

Umapela si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay boxing icon at Sen. Manny Pacquiao na huwag isara ang isipan bagkus ay tanggapin ang ­pananaw ng Games and Amusement Board (GAB) na walang ­pangangailangan sa ­pagbuo ng hiwalay na boxing commission.

“I do hope that Senator Pacquiao can lend an ear to the experts in sports deve­lopment who have been in the forefront of protecting our professional athletes long before he became a boxing champ,” giit ni Se­nate Minority Leader Franklin Drilon.

Noong nakaraang linggo ay ginisa ng dating Senate President ang bagitong miyembro ng Senado hinggil sa isinusulong nitong Senate Bill No. 1306 hinggil sa paglikha ng Philippine Boxing Commission na siyang tututok sa kapakanan ng mga Pinoy professional boxers.

Mismong si GAB chairman Abraham Kahlil Mit­ra ang nagsabi na, “That there is no ­necessity to create a separate boxing commission as reforms can be done to strengthen the boxing industry.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy