Una sa Balita

Solon isnabero na, kuripot pa

0 425

HATE daw ng mga empleyado ang isang miyembro ng Lower House.

Paano naman kasi, hindi palabati ang kongresista at parang laging namatayan ang mukha.

Takot tuloy siyang batiin ng mga empleyado dahil hindi naman ito namamansin.

Ang matindi nito, kuripot din ang mambabatas kaya gutom ang kanyang mga staff pati na ang komite.

Wala nga daw nagtangkang mag-solicit kay congressman dahil tiyak ni singkong duling ay walang ibibigay sa kanila.

Malayong-malayo daw ang ugali ng mambabatas sa kanyang kapatid na kilalang galante at game sa mga biruan.

Pintahan n’yo na. Ang kongresistang isnabero at kuripot ay taga-Luzon at may letrang B sa kanyang pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More